Friday, 14 February 2020

Sa Kalinisan, NCOV talo ka!

Kalusugan natin lagi nating bantayan
Sa kalinisay katawan at paligid ating pag-igihan
Mga kamay natin lagi nating hugasan
Nang ang salot na NCOV ay ating maiwasan

Alcohol, hand sanitizer, pwede nating gamitin
Kapag ang tubig ay wala sa paningin
Gumamit ng Face Mask o kaya'y panyolito
Kapag nababahing o kaya'y nauubo

Kumain ng prutas at mga masustansiyang gulay
Pag-inom ng maraming tubig ay ginhawang tunay
Sa sapat na tulog, sakit ay maiiwasan
Nang maging ginhawa sa pamilya at sa bayan

Sa Mababang Paaralan ng Barangay Baay
Lahat Kami,guro, prinsipal, at mga mag-aaral
Ibayong pag-iingat aming din dala-dala sa bahay
Nang pati kapamilya namin malayo sa NCOV na kinatatakutan

Kaya mga Kababayan, Kalinisan sa paligid laging isagawa
Handwashing at Toothbrushing, huwag kalimutan mga bata
Hawak kamay nating harapin ang bawat umaga
Mga saakit ay iwasan, NCOV lumayas ka!

No comments:

Post a Comment