Sunday, 5 July 2020

"Batang Pinoy, SANA TALL... Iwas Stunting, SAMA ALL! Iwas ALL din sa COVID-19!

             Ang buwan ng Hulyo ng bawat taon ay itinakda ng ating pamahalaan sa pagdiriwang ng "Buwan ng Nutrisyon". Sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Kalusugan ay National Nutrition Council at sa pakikiisa ng sektor ng edukasyon upang tumugon sa suliraning malnutrisyon ng bansa.

           

Ang Buwan ng Nutrisyon sa taong ito ay may temang "Batang Pinoy Sana Tall... Iwas Stunting, Sama All". Ayon sa datos, ang Pilipinas ay ikalawa sa maituturing na bansot sa dakong Silangang Kanlurang Asya. Sa ganitong kalagayan, kinakailangan ang pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan nang sa gayon ay malabanan ang malnutrisyon at mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayang Pilipino lalo na ngayong nahaharap tayo sa isang pandaigdigang pandemya ng Covid-19.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive